Kobe Paras Nagdeactivate ng Instagram Account, Kyline Alcantara Kinulit ng Netizens sa Dahilan

 


Nagdeactivate ng kanyang Instagram account ang basketbolista na si Kobe Paras, na agad na napansin ng mga netizens. 

Photo: Kobe/IG

Isa sa mga napansin ay ang pagkawala ng mga likes ni Kobe sa mga post ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara, pati na rin ang kanyang pag-unfollow kay Kyline. Dahil dito, nag-alala ang kanilang mga tagasubaybay at nagsimulang magtanong kung may pinagdadaanan ang rumored couple.



Marami ang nagkomento sa pinakabagong post ni Kyline sa Instagram, diretsahang nagtatanong tungkol sa isyu. Sa kabila ng dami ng tanong, nanatiling tahimik si Kyline at hindi sinagot ang mga ito. Ilan sa mga komento ng netizens ay nagtatanong kung bakit biglang nawala ang account ni Kobe at kung bakit hindi na siya naka-follow kay Kyline.



Samantala, may isang concern netizen na nagbigay ng paliwanag kung bakit nagdeactivate ng account si Kobe. Ayon sa kanya, kasalukuyang nasa China si Kobe para sa isang work commitment, at nagdeactivate umano siya ng Instagram dahil walang access sa Facebook o Instagram sa nasabing bansa. Bagama't hindi matitiyak ang katotohanan ng paliwanag na ito, tila ginawa ito ng netizen upang pakalmahin ang mga tagahanga ng rumored couple.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts