Kim Chiu, Dumepensa sa mga Bumabatikos kay Paulo Avelino

 



Patuloy na mainit na pinag-uusapan ng mga netizens at fans ang kumakalat na video nina Kim Chiu at Paulo Avelino habang nasa airport pauwi ng Pilipinas. 

Photo: User/YT

Maraming kritiko ang pumuna kay Paulo, na sinasabing hindi siya naging gentleman dahil hindi kaagad tinulungan si Kim sa kanyang mga bagahe, at tila pilit umano ang pag-alalay niya sa aktres.


Agad namang dumepensa ang mga KimPau fans, na iginiit na hindi naman huli si Paulo sa pagkuha ng mga bagahe dahil kailangan pa itong ma-check. Marami rin ang nagsabi na hindi naman kailangang alalayan si Kim dahil kaya niya itong gawin nang mag-isa, lalo na’t may cart naman siya. Ayon pa sa iba, sanay na si Kim Chiu sa pagdadala ng kanyang bagahe, lalo na’t ilang beses na rin siyang nagbiyahe sa ibang bansa.


Ipinunto rin ng ilang netizens na anuman ang ginawa ni Paulo, tiyak na may masasabi pa rin ang mga bashers. Kung siya man ang nagdala ng bagahe ni Kim, baka masabi naman na ginawa lamang siyang taga-buhat. Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag sina Paulo Avelino at Kim Chiu tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts