Jericho Rosales Inamin na Nasa 'Dating Stage' na Sila ni Janine Gutierrez

 



Mainit na pinag-uusapan ngayon sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez, hindi lamang dahil sa bagong teleserye na kanilang pagsasamahan kundi dahil din sa balitang nasa 'dating stage' na ang dalawa.

Photo: Jericho and Janine/IG

 Matapos kumpirmahin ni Jericho ang hiwalayan nila ng dating asawa na si Kim Jones, isang bagong pag-amin ang ginawa ng aktor tungkol sa kanilang relasyon ni Janine.


Sa isang panayam kasama ang Philstar at iba pang miyembro ng press, diretsahang inamin ni Jericho na nasa "getting to know each other and dating" na sila ng aktres. Ayon kay Jericho, una niyang tinanggap ang proyekto dahil sa kanyang interes sa production team, ngunit kalaunan ay napansin niyang mas interesado na siya kay Janine. "She’s an amazing person, very sweet, very kind, very funny, and very dedicated, very good actress. We share a lot of things," dagdag pa ni Jericho.


Si Jericho Rosales ay kilalang hunk at mahusay na aktor na unang nakilala sa pagsali sa segment ng Eat Bulaga na "Mr. Pogi." Mula rito ay umusbong ang kanyang karera bilang isang dramatic actor, singer-songwriter, at film producer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na programa ay "Pangako Sa’yo" (2000), "Kahit Isang Saglit" (2008), "Dahil May Isang Ikaw" (2010), at "The Legal Wife" (2014). Tumatak din ang kanyang pag-arte sa pelikulang "Baler" (2008) at marami pang iba.


Samantala, si Janine Gutierrez ay kabilang sa Royalty Clan Family. Anak siya nina Ramon Christopher Gutierrez at Lotlot De Leon, at apo ng mga batikang aktor na sina Pilita Corrales at Eddie Gutierrez. Si Janine ay isang mahusay na aktres, modelo, at singer na unang nakilala sa Kapuso network. Sa ngayon, unti-unti na rin siyang gumagawa ng pangalan sa drama sa bakuran ng Kapamilya network, at tumatak ang kanyang pag-arte sa seryeng "Dirty Linen." Nakatanggap na rin siya ng maraming parangal, kabilang ang Best Actress sa 68th FAMAS Awards, Gawad Urian Award, at QCinema International Film Festival.


Sa kasalukuyan, magkakasama ang dalawa sa teleseryeng "Lavender Fields," na pagbibidahan din nina Jodi Sta. Maria at iba pang batikang artista.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts