Jennylyn Mercado Lilipat Diumano ng Network dahil sa Delay Contract with GMA

 


May posibilidad na lumipat si Jennylyn Mercado sa Net25 Network dahil sa kanyang kagustuhang magtrabaho at pagkadismaya sa pagkaantala ng finalisasyon ng kanyang kontrata sa kasalukuyang network. Lumipas na ang tatlong buwan, ngunit hindi pa rin pinal naisasapinal ang kanyang kontrata.

Photo: Jennylyn/IG


Nagkaroon ng espekulasyon tungkol sa paglipat ni Jennylyn sa Kapamilya network matapos magdesisyon ang kanyang management na hindi na muling mag-renew sa Kapuso network. Lalo pang lumakas ang espekulasyon nang hindi siya dumalo sa Kapuso Station ID launch, at nang magkomento ang kanyang asawang si Dennis Trillo ng "Is there still ABS?" Gayunpaman, itinanggi ng kampo ni Jennylyn ang paglipat, dahil hindi natugunan ng Kapamilya network ang hinihingi para sa bagong kontrata ni Jennylyn, at naapektuhan ang negosasyon dahil sa komento ng kanyang asawa.


Noong GMA Gala 2024, muling hindi dumalo si Jennylyn, na nagdulot ng pag-usisa mula sa mga netizens lalo na’t nag-isa lamang ang kanyang asawa. Ayon sa malapit kay Jennylyn, handa na sana siyang dumalo, ngunit nagkasakit ang kanilang anak na si Jazz. Dahil dito, bilang mga magulang, inuna nila ang kalagayan ng kanilang anak.


Bilang paggalang sa network na tumulong sa kanyang pagsikat, binalak ng kampo ni Jennylyn na dumalo sa GMA Gala kahit hindi pa nare-renew ang kanyang kontrata. Tumanggi rin siya sa mga guesting invitations mula sa kanyang network hangga't hindi pa naisasapinal ang kanyang kontrata.


Sa kabila nito, may mga ulat na kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang management ni Jennylyn sa Net25 Network, kung saan si Wilma Galvante, dating executive ng Kapuso network at malapit sa manager ni Jennylyn, ay isa nang executive. Nakita rin ang manager ni Jennylyn na nakipagkita kay Net25 President Caesar Vallejos at Net25 Production Consultant Wilma Galvante.


May mga alok na proyekto para kay Jennylyn sa Net25, kabilang ang pagsasama niya sa isang romantic comedy series kasama si Empoy Marquez, at iba pang mga Net25 Star Kada members tulad nina Vito Quizon, Nicky Gilbert, Bo Bautista, Jiro Custodio, David Chua, Ara Mina, at Raymond Bagatsing. Mayroon ding talk show na inalok kay Jennylyn upang subukan ang kanyang kakayahan sa hosting. Kung matutuloy ang paglipat ni Jennylyn sa Net25, ito ay maaaring maging simula ng bagong yugto sa kanyang karera.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts