Nagbigay ng matapang na pahayag ang batikang direktor na si Joel Lamangan kaugnay sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Sandro Mulach at ng dalawang gay independent contractors ng GMA Network.
Photo: User/FB
Ayon kay Direk Joel, hindi na bago ang ganitong mga isyu sa industriya ng showbiz, at matagal na umanong nangyayari ang mga ito ngunit hindi lamang nabubulgar.
"Noon pa, meron ng ganon, day! Hindi lang nabubulgar, Diyos ko!" wika ni Direk Joel, na tila ipinapahayag ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na pag-iral ng ganitong mga pangyayari. Inalala pa niya na mula pa noong panahon ng "kopong-kopong," marami nang mga artista, lalo na ang mga leading men, na umanoy naging sikat dahil sa impluwensya ng mga gay individuals sa industriya.
Ipinahayag din ni Direk Joel ang kanyang pagkakilala sa dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz. Aniya, mababait at hindi balahura ang mga ito, lalo na si Dode, na ayon kay Direk Joel ay kawawa sa sitwasyong ito. Sa kabila ng mga pangyayari, ipinapakita ni Direk Joel ang kanyang simpatya sa mga taong sangkot, at pinatunayan na ang mga ganitong isyu ay hindi na bago, kundi bahagi na ng matagal nang kasaysayan ng showbiz.
No comments:
Post a Comment