Christian Gaza May Patama sa GF ni Yulo:"Piliin and Kapayapaan hindi ang pakikipaglaban

 


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang hidwaan sa pagitan ni Chloe San Jose, nobya ng gymnast na si Carlos Yulo, at ng ina nito na si Angelica Yulo. 


Photo: Chloe/FB

Nagsimula ang kontrobersiya nang maglabas ng sama ng loob si Mrs. Yulo sa social media, kung saan tinukoy niyang si Chloe ang naging ugat ng kanilang alitan. Agad namang sumagot si Chloe sa pamamagitan ng isang Facebook post, na tila nagpapahiwatig ng kanyang plano na ipagtanggol ang sarili matapos ang vault finals ni Carlos.


Sa gitna ng bangayan, sumali sa usapin ang kontrobersyal na personalidad na si Christian Gaza, na nagbigay ng kanyang opinyon tungkol sa isyu. Ayon kay Gaza, hindi tama ang ginawang pagsagot ni Chloe sa kanyang future mother-in-law. Sa halip na makipagtalo, sinabi ni Gaza na dapat piliin ng isang partner na ipaliwanag sa ina ng nobyo kung bakit siya nagkakamali, upang maayos ang gusot sa pamilya.


Pinayuhan din ni Gaza si Chloe na ang tunay na maturity ay makikita sa pagpili ng kapayapaan at kaligayahan ng lahat, kaysa sa pagpapatunay na tama ka. Aniya, sa tuwing may nag-aaway na magbiyenan, ang mental health ng anak ang nagiging collateral damage, kaya't mahalagang magpamagitan imbes na makipaglaban.


Sa kabila ng patama ni Gaza, patuloy pa rin ang diskusyon sa social media tungkol sa isyu, at marami ang nag-aabang kung paano ito magtatapos.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts