Chavit Singson Nangakong Magbibigay ng Php5M kay Carlos Yulo Kapag Nakipagbati Ito sa Pamilya

 



Tila hindi na rin nakaiwas ang negosyanteng si Chavit Singson sa drama na bumabalot sa pamilya Yulo. Aware si Singson sa kasalukuyang sigalot sa pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, at nagpahayag siya ng lungkot para sa ama ng atleta. 

Photo: Chavit/IG

Bilang isang ama, damang-dama umano ni Singson ang sakit kung sakaling siya’y aawayin ng kanyang sariling mga anak.


Sa isang Facebook video, ipinahayag ni Singson ang kanyang hangaring maging instrumento para magkaayos ang pamilya Yulo. Ayon sa kanya, nauunawaan niyang magiging mahirap ang proseso ng pagbabati, lalo na sa pagitan ng mag-inang Carlos at Angelica. Gayunpaman, nag-alok si Singson ng Php5 milyon bilang insentibo kung sakaling magkasama-sama ang buong pamilya Yulo sa kanyang tanggapan, kasama na ang ina ni Carlos.


Ayon kay Singson, ang halagang Php5 milyon ay hindi para sa tagumpay ni Carlos sa Olympics, kundi para sa pagkakaisa ng kanilang pamilya. “Para lang magsama-sama sila buong pamilya, magbibigay ako ng limang milyon (Php5M). Hindi sa panalo niyang gold sa Olympic, more on ‘yung sa pamilya,” ani Singson. Paliwanag pa niya, bilang isang ama, napakasakit na makagalit ang sariling anak, kaya’t nais niyang magbigay ng tulong upang magkaayos ang pamilya.


Nang tanungin kung ibibigay pa rin ba ang Php5 milyon kahit may miyembro ng pamilya ang hindi makadalo, sumang-ayon si Singson at sinabing, “Pwede na rin ‘yon, ibibigay ko na rin.” Ayon pa kay Singson, bagaman mahirap ang pagbabati, partikular na sa pagitan ni Carlos at ng kanyang ina, handa siyang magsilbing tulay para sa pagkakaayos. Aniya, pumayag na ang ama ni Carlos na magpunta kasama ang iba pang anak, pati na rin si Carlos, subalit tila malabo pa ang pagkakataon na makipag-ayos ang ina sa ngayon.

No comments:

Post a Comment