Bak Bakbakan sa Kongreso: Sara Duterte at mga Mambabatas, Nagsagutan Hinggil sa P125 Milyong Confidential Funds ng OVP

 


Sa gitna ng mainit na budget hearing ng House Committee on Appropriations, naging personal ang usapan sa pagitan ni Vice President Sara Duterte at ilang mambabatas. 



Photo: Senate/YT


Nagsimula ang tensyon nang tanungin ni ACT Teachers Party List Representative France Castro ang paggamit ng Office of the Vice President (OVP) sa P125 milyong confidential funds noong 2022. Inusisa ni Castro kung bakit may P73 milyong disallowance ang Commission on Audit (COA) sa nasabing pondo dahil sa kakulangan ng mga dokumentong nagpapatunay sa tagumpay ng mga surveillance activities.


Humantong sa matinding palitan ng salita ang pagdinig nang magkomento si Castro na mabilis na nagamit ang confidential funds ng OVP sa loob lamang ng 11 araw. Bumwelta naman si Vice President Duterte at binanggit ang isang kasong child abuse laban kay Castro, na nauwi sa argumento tungkol sa respeto sa budget hearing. Sinubukan ni Duterte na palitan ang presiding officer ngunit agad itong tinanggihan ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Rep. Stella Quimbo.


Inihalintulad ni Castro ang mga sagot ni Duterte sa depensa ng isang pusit na naglalabas ng tinta kapag nasusukol, na nagdulot pa ng dagdag na tensyon sa pagitan nila. Patuloy na iginiit ni Duterte na hindi patas ang pagtrato sa kanya sa hearing, lalo na't mag-isa lamang siya laban sa mga mambabatas. Sa huli, naantala ang deliberasyon ng budget ng OVP at itinakda ang pagpapatuloy nito sa Setyembre 10.

No comments:

Post a Comment