Nagbigay ng opinyon si Atty. Chel Diokno, isang kilalang abogado at personalidad, hinggil sa kontrobersyal na usapin ng ‘utang na loob’ ng mga anak sa kanilang mga magulang.
Photo: Atty. Chel/IG
Nagbigay ng opinyon si Atty. Chel Diokno, isang kilalang abogado at personalidad, hinggil sa usaping 'utang na loob' ng mga anak sa kanilang mga magulang, na kasalukuyang pinag-uusapan sa lipunan. Sa isang Tiktok video, ipinaliwanag ni Atty. Diokno na hindi siya naniniwala na dapat bayaran ng mga anak ang tinatawag na 'utang na loob' sa kanilang mga magulang.
Ayon kay Atty. Diokno, ang pagkakaroon ng anak ay hindi dapat ituring bilang isang negosyo na may kaakibat na obligasyon na bayaran sa hinaharap. Inamin niyang malaki ang sakripisyo ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ngunit iginiit niyang dapat itong gawin dahil sa pagmamahal, hindi dahil sa inaasahang kapalit.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Atty. Diokno na sana ay sapat na para sa mga magulang na makita ang kanilang mga anak na nagiging mabuting tao, masaya, at natutupad ang kanilang mga pangarap. Dagdag pa niya, ang tagumpay ng kanilang mga anak ay dapat para sa mga anak mismo, upang kapag sila naman ang naging magulang, ipasa nila ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit, at hindi ipapasa ang bigat ng 'utang na loob.'
@attycheldiokno 'Utang na loob' ng anak sa magulang, dapat bang bayaran? #ParentingPhilippines #FilipinoValues #UtangNaLoob ♬ original sound - Atty. Chel Diokno
No comments:
Post a Comment