Atasha Muhlach Iniintrigang Nabuntis ni Pasig Mayor Vico Sotto – Ogie Diaz May Reaksyon sa mga Nagpapakalat ng Maling Balita

 





Sa pinakabagong episode ng **Ogie Diaz Showbiz Update** sa YouTube, tinalakay ang mga kumakalat na balita hinggil sa diumano’y pagkakamabutihan nina Atasha Muhlach at Pasig Mayor Vico Sotto. Ayon kay Ogie, ang mga balitang ito ay mali at walang katotohanan—gawa-gawa lamang.

Photo: Atasha/IG

Nag-ugat umano ang mga balitang ito mula sa mga YouTube channels na nagpapakalat ng maling impormasyon upang mag-trending at kumita ng pera sa pamamagitan ng video monetization. May ilang channels ang naglabas ng balita na diumano’y nabuntis ni Mayor Vico Sotto si Atasha. Isang buwan na umanong buntis ang anak nina Aga at Charlene Muhlach at si Vico ang ama ng dinadala nito.


Ayon kay Ogie, nakausap niya si Atasha kamakailan lang dahil nakapag-guest siya sa sitcom na “Da Pers Family.” Batid ni Ogie na mali ang mga balitang ito, pero napag-usapan na rin nila ni Atasha ang hinggil rito at nahingian niya ng reaksyon ang dalaga.


Ayon kay Atasha, narinig na niya ang mga ganitong balita at nagtataka siya kung saan nanggaling ang isyu. Paglilinaw ng anak ni Aga, hindi pa daw sila nagkikita ni Mayor Vico sa personal. 


Nagbabala si Ogie sa mga tao na huwag basta maniwala sa mga napapanood sa naturang social media platform. Saad ni Ogie, “Kaya huwag na huwag ho kayo basta-basta naniniwala diyan ha, iyan ang mga fake news account…. Jusko nakakahiya kayo ha.”


No comments:

Post a Comment

Popular Posts