Yuki Takahashi Ipinaliwanag ang Tunay na Dahilan Kung Bakit Hindi pa Siya Nanganganak sa Seryeng FPJs Batang Quiapo

 



Yuki Takahashi Ipinaliwanag ang Tunay na Dahilan Kung Bakit Hindi pa Siya Nanganganak sa Seryeng FPJs Batang Quiapo

Photo: Ogie Diaz/YT


Nagsalita na ang aktres na si Yuki Takahashi hinggil sa role ni Camille sa FPJs Batang Quiapo. Ipinaliwanag niya kung bakit hindi pa nanganganak ang kanyang karakter sa serye. Eksklusibong nakapanayam ni Ogie Diaz si Yuki sa YouTube channel nito kahapon, July 22, 2024.


Isa sa mga nilinaw ni Ogie kay Yuki ay hinggil sa pinag-uusapang serye na FPJs Batang Quiapo. Ginagampanan ni Yuki ang karakter ni Camille, asawa ni David na ginagampanan naman ni McCoy De Leon. Napansin ng mga netizens na tila lampas na sa isang taong buntis si Camille sa serye pero hindi pa rin ito nanganganak hanggang ngayon. Naabutan na umano siya ni Lena (Mercede Cabral) na nagbuntis rin.


Puna ng netizens, tila nakalimutan umano ni Direk Coco ang karakter ni Camille. Napabayaan, kaya magpahanggang sa ngayon, hindi pa ito nanganganak.


Ayon kay Yuki, 40 days pa lang umano siyang buntis sa FPJs Batang Quiapo. "Alam niyo po ba, 40 days pa lang yung tiyan ko sa story. 40 days pa lang po yung buhay namin," saad ni Yuki.


Ang lumalabas, iba ang mundo sa serye kumpara sa totoong buhay. Ito rin ang paliwanag ng mismong Facebook page ni Coco Martin noong nakaraang buwan nang muling mag-viral ang hinggil sa pagbubuntis ni Camille.


"Natatawa na lang po ako kasi every time na makita po nila ako kahit saan, ‘yun po talaga ‘yung tanong. Pero of course, hindi ko po talaga alam kung kailan po talaga ako manganganak," ayon kay Yuki.


"Sinasabi ko na lang po, siguro kapag nakakapaglakad na ‘yung bata, ‘dun ko na lang ilalabas para tipid.


"Nilakihan na nga nila kasi nireklamo na sila. Nireklamo sila na parang hindi naman daw ako buntis, so ang ginawa na lang nina direk, nilakihan na lang para at least makita yung image na buntis si Camille."


Sa kabila ng mga komentong ito, patuloy na tumatak sa mga manonood ang karakter ni Yuki bilang Camille, na nagbibigay kulay at intriga sa kwento ng FPJs Batang Quiapo.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts