Yam Concepcion Masayang Ibinahagi ang Kanyang Pagbubuntis

 



Ang aktres na si Yam Concepcion ay masayang ibinahagi na siya ay buntis na sa panganay na anak nila ng asawang si Miguel Cuunjieng. 

Photo: Yam/IG


Ngayong gabi ng Hulyo 27, 2024, nagbahagi ng bagong post si Yam sa kanyang Instagram account na mayroong 2.1 milyon na followers. Sa nasabing post, makikita ang ilang larawan nila ng kanyang asawa na si Miguel. 


Sa mga larawan, mapapansin na medyo malaki na ang tiyan ni Yam. Sa caption ng post, mababasa ang mga katagang, “Stingrays, turtles, pigs and a bump.” Ito ay bilang pag-anunsyo na nagdadalang-tao na ang aktres.


Sa comment section ng parehong post, nagbahagi naman ng kasiyahan si Miguel hinggil sa bagong yugtong ito ng kanilang buhay. Ayon kay Miguel, hindi niya umano akalain na susuwertehin siya ng ganito. Maituturing umano na isang “pangarap na natupad” ang makapiling si Yam at excited na siya sa mga “adventures” na gagawin nilang magkasama. 


Ayon kay Miguel, “You are my dream come true, and I’ll never know how I got so lucky. I’m so excited for all our future adventures, and there’s no better way to close this chapter of our story than with this amazing week in paradise. I love you more than words can say, and I can’t wait for @tinyconcepcioncu to be a big sister.”


Ang ‘tinyconconcepcion’ na tinukoy ni Miguel sa komento ay ang alaga nilang aso na si Tiny. Magiging ‘big sister’ na umano ito pagdating ng anak nila na kasalukuyang ipinagbubuntis ni Yam.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts