Xian Lim Muling Dumepensa sa mga 'False Accusations' Kaugnay ng Hiwalayan nila ni Kim Chiu

 



Xian Lim Muling Dumepensa sa mga 'False Accusations' Kaugnay ng Hiwalayan nila ni Kim Chiu

Photo: Xian/IG


Muling nagsalita si Xian Lim hinggil sa hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Kim Chiu. Sa pinakabagong panayam ni Nelson Canlas, ipinagtanggol ni Xian ang sarili laban sa mga diumano’y 'false accusations' na kumakalat sa social media. Ayon kay Xian, hindi na dapat iisa-isahin pa ang mga detalye kung sino ang nagkulang sa kanilang relasyon at kung bakit nauwi ito sa hiwalayan.


Alam umano ni Xian na marami ang nasaktan sa kanilang breakup dahil sa pangakong 'forever' na nakakabit sa kanilang relasyon. Ganun pa man, hindi niya umano deserve ang mga kasinungalingang ipinaparatang sa kanya. Hiling niya na kung may mga batikos man, huwag nang idamay ang kanyang pamilya.


Saad ni Xian, “Hindi na namin kailangan pang isa-isahin kung sino ang nagkulang because it’s just like any other relationship. This was open to the public, it came from us directly why we decided to go our separate ways. Of course, I know the supporters that we’ve built for the past 12 years, we became a part of their lives na. I know they’re hurting because naghiwalay kami because there is that promise of forever.”


Dagdag pa niya, “I understand that they’re going through pain but I do not deserve the false accusations, the lies being spread. Ako na po yung tirahin nila but not my family.”


1 comment:

  1. Ano ba yan hindi na natapos tapos yang issue na yan, paulit-ulit na yan. Tama na.

    ReplyDelete

Popular Posts