Willie Revillame No Politics Muna at Focus sa Kontrata nya sa TV5

 




Willie Revillame No Politics Muna at Focus sa Kontrata nya sa TV5

Photo: Willie/Tiktok


Ang TV host na si Willie Revillame ay tila nagbago ng plano mula sa kanyang balak na tumakbo para sa senado. Ayon sa prolific na host, hindi na siya interesado at hindi na tatakbo sa politika. 


Sa isang panayam sa OnePH, binanggit ni Willie na ang bago niyang kontrata sa TV5 ay tatagal ng tatlong taon at mayroong clause sa kontrata na nagsasabing ‘no politics.’ Nilinaw din ni Willie na hindi niya sinabi na handa siyang tumakbo sa senado kundi handa siyang tumulong.


“Nanonood ako ng Senate hearing, Congress… lahat. Nilalagay ko ‘yung sarili ko, what if nandiyan ako? Anong magagawa ko? Pero kapag nakikita kong nag-aaway at nakikita kong parang walang unity, parang napu-frustrate ako,” ayon kay Willie.


“Honestly, I have a contract with TV5, no politics… Three years ang contract ko,” dagdag ni Willie.


@news5everywhere Nag-iba ang tono ng TV host na si #WillieRevillame tungkol sa pagtakbo bilang senador sa 2025 midterm elections. Inamin niya na konektado ito sa bago niyang kontrata sa #TV5. Sinabi niya ito sa #SeryosongUsapan ng #TV5 ngayong Linggo, July 7. #News5 #entertainmentnewsph ♬ original sound - News5

No comments:

Post a Comment

Popular Posts