Willie Revillame, Nagpatutsada sa Kompetisyon Dahil sa Mababang Ratings

 


Willie Revillame, Nagpatutsada sa Kompetisyon Dahil sa Mababang Ratings

Photo: Willie/X

Mukhang nagpatutsada si Willie Revillame sa kanyang mga kompetisyon matapos mag-ulat ng mababang ratings ang kanyang bagong variety show na "Wil to Win" noong premiere week nito. Sa episode ng kanyang game show noong Hulyo 16, nagbigay ng komento si Revillame tungkol sa “originality” matapos ipakita ng "Family Feud" ni Dingdong Dantes ang ratings na 9.6% kumpara sa 2.7% ng "Wil to Win" at "Goin’ Bulilit."


"Alam niyo nakakatuwa ang buhay, para sa akin ang ratings kayo. Kung may makikita kayo na pinapakita nila ratings nila na mataas sila, hindi ho kami naapektuhan kasi ang puso namin magbigay ng saya at pag-asa sa inyo," ani ni Willie. "Okay lang naman ‘yan, wala naman kaming ano. Basta tuloy tuloy lang magtrabaho dito sa TV5. Ayusin namin mapasaya kayo araw-araw at ang importante ang show na ‘to ay original. Inisip ‘to para sa inyo. Hindi ‘to binibili sa ibang bansa. Ito po ay gaya namin, habang buhay may programa kayo."


Binanggit din ni Willie ang episode ng "Family Feud" noong Hulyo 15, kung saan nag-guest ang anak niyang si Meryll Soriano at ang Diamond Star na si Maricel Soriano. "Saka hindi kami nakatape, naka-live kami. Saka ang nakakatuwa ho ‘yung nag-live ako kahapon ‘yung anak ko, si Ms. Maricel at ‘yung aking mga ano tinapat pa sa programa ko so ibig sabihin, ‘Bakit? Ano ba ‘to, labanan ba ‘to?’ Tulungan natin ang mga kababayan nating naghihirap. Basta kami ayun lang ang purpose namin," sabi ni Willie.


Sa kabila ng kanyang mga pahayag, hindi natuwa ang ilang manonood sa mga komento ni Willie. Makalipas ang labing-isang taon mula nang mag-host siya ng "Willing Willie/Wil Time Bigtime" at "Wowowillie" sa TV5, bumalik si Revillame sa Kapatid network at inanunsyo ang kanyang bagong show na nag-premiere noong Hulyo 14, Linggo. Siya rin ang naging pangunahing host ng "Wowowin," na umere sa GMA Network at ALLTV mula 2015 hanggang 2023.


No comments:

Post a Comment