Willie Revillame Bad Trip Diumano GMA7 Dahil sa Ratings

 



Willie Revillame Bad Trip Diumano GMA7 Dahil sa Ratings

Photo: Willie/IG

Mukhang may tampo ang TV host na si Willie Revillame sa Kapuso Network GMA7 matapos maglabas ng post na nagpapakita ng ratings ng "Will To Win" at "Family Feud." Ayon sa post, nakakuha ang "Family Feud" ng 9.6% rating noong Hulyo 15, 2024, kumpara sa 2.7% rating ng "Will To Win."


Sa kanyang programa, nagpahayag si Willie ng kanyang saloobin: “Para sa akin, ang rating ay kayo. Kung may nakikita kayong ratings nila, na mataas sila, hindi ho kami naaapektuhan. Kasi ang puso namin, magbigay ng saya at pag-asa sa inyo,” sabi ni Willie.


Dagdag pa niya, “Ang importante, ang show na ito ay original. Inisip ito para sa inyo. Hindi ito binibili sa ibang bansa. Ito po ay habangbuhay, pag kaya namin may programa kayo.”


“At hindi kami naka taped, live kami,” ani Willie.


Binanggit din niya na, “Ang nakakatuwa ho, nung nag-live ako kahapon yung anak ko (Meryll Soriano) at si Ms. Maricel at ‘yung aking mga ano, tinapat pa sa programa ko. Ibig sabihin, bakit? Ano ba to labanan ba to? Tulungan natin ang mga kababayan nating naghihirap.”


Mukhang hindi natutuwa si Willie sa tila kompetisyon sa pagitan ng mga programa at nanawagan siya ng pagkakaisa upang makatulong sa mga kababayang naghihirap.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts