Waiter na Pinatayo ng Dalawang Oras, Inaalok na Magtrabaho sa Europa ng CEO ng Hotel



Waiter na Pinatayo ng Dalawang Oras, Inaalok na Magtrabaho sa Europa ng CEO ng Hotel

Photo: User/FB

Ang waiter na naging viral sa social media matapos umano mapilit na tumayo ng dalawang oras ng isang customer na LGBTQIA+ ay nakatanggap ng alok na magtrabaho sa ibang bansa.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Fredrick Letigio ang isang mensahe mula sa kanyang kaibigan na nagtatrabaho sa isang hotel sa Greece.


Ayon sa kanyang kaibigan, nakita nila ang kwento sa social media at nangako na i-rerekomenda ang waiter sa kanilang employer, isang CEO ng hotel sa Greece.


"Hi good pm sir, nabasa naku imo post about ana server, pls if naa kana contact ana niya pwede ko nimo e inform, kay gusto pud ta ko mutabang if willing siya sir, ako employer CEO ug hotels diri sa Greece Pwede ko siya e recommend nga mag work diri sa Greece sir," sabi ng OFW.


(Hi! Good PM sir, nabasa ko ‘yung post about sa server, please if mayroon kang contact niya i-inform mo sana ako, gusto ko siyang tulungan if willing siya. Ang employer ko CEO sa mga hotels dito sa Greece, pwede ko siya i-recommend na mag work dito sa Greece sir)


Maaalala na isa pang kumpanya ang nag-alok sa waiter ng posisyon bilang supervisor matapos nilang makita kung paano niya pinanatili ang propesyonalismo at pasensya sa ilalim ng presyon.


Sa ngayon, wala pang pahayag ang waiter tungkol sa isyu.


No comments:

Post a Comment