Vice Ganda Tinanggal ang Kaniyang Wig sa 'It's Showtime

 






Vice Ganda Tinanggal ang Kaniyang Wig sa 'It's Showtime

Photo: Vice/IG


Sa isang emosyonal na eksena sa 'It's Showtime,' lakas-loob na tinanggal ni Vice Ganda ang kanyang wig upang bigyan ng inspirasyon si April, isang kalahok sa programa. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Vice na hindi na siya apektado ng mga negatibong komento tungkol sa kanyang hitsura kapag walang wig.



Ayon kay Vice, “Hindi na ako affected sa mga panget na panget sa akin pag walang wig… May wig o wala may nagmamahal dito no, bukod kay Ion mahal ako ng nanay ko, mahal ako ng mga kapatid ko, mahal ako ng pamilya ko, mahal ako ni Lord.”


Ang aksyon na ito ni Vice Ganda ay isang patunay ng kanyang pagtanggap sa sarili at pagpapahalaga sa pagmamahal ng kanyang pamilya at Diyos. #TaraShowtimeNa #ItsShowtime

No comments:

Post a Comment

Popular Posts