Vice Ganda, Naloka sa Pagtawag ni Maris Racal na ‘May Edad na Beki’

 

Vice Ganda, Naloka sa Pagtawag ni Maris Racal na ‘May Edad na Beki’

Photo: Vice and Maris/IG

Nagreact si Vice Ganda sa isang lumang video mula noong 2022 kung saan inilarawan siya ni Maris Racal bilang ‘may edad na beki.’ Sa nasabing video, makikita si Maris kasama ang mga kapwa celebrities na sina Jai Agpangan at Kyo Quijano sa isang challenge na hawig sa ‘jojowain o totropahin.’ Sa larong ito, pipila sila sa personalidad na nais nila at ipapaliwanag ang dahilan. Lahat sila isinagot na PIPILAHAN si Vice.



Sa video, maririnig ang bawat isa na todo papuri kay Vice. Ayon kay Maris, masaya umano siyang isipin na si Vice Ganda ang magiging ate niya para may mag-guide sa kanyang buhay. Dagdag pa ng aktres, “iba talaga ‘pag may edad na beki.”


Nagbigay ng reaksyon si Vice Ganda sa nasabing video, at bagamat may bahid ng biro, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa papuri at pagkilala mula kay Maris at sa kanyang mga kasamahan.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts