Mukhang iiwan na ng TV5 ang imahe nito bilang isang pangunahing TV channel para sa mga sporting events. Ayon kay Ms. Jane Basas, President at Chief Executive Officer (CEO) ng MediaQuest Holdings, ang parent company ng TV5, magtutuon na ang network sa "entertainment" side.
Photo: User/IG
Ayon kay Basas, ang pagpapalitan ng TV5 tungo sa isang "full entertainment channel" ay maaaring magbigay ng positibong epekto sa pinansyal na aspeto ng network. “The only way for TV5 to make money is really to transform it into a full entertainment channel because the revenue is on the entertainment side,” saad ni Basas.
Dagdag pa niya, “We do see a path to profitability.”
Ipinaliwanag din ni Basas na ang mga entertainment programs tulad ng Face 2 Face, EAT Bulaga!, Lumuhod Ka Sa Lupa, at ang primetime block ng ABS-CBN Studios ay nakatulong sa magandang performance ng TV5 nitong mga nakaraang taon. Umaasa rin sila na ang kanilang bagong game show na Wil To Win ay magkakaroon ng positibong turnout.
Sa bagong direksyong ito, inaasahan ng TV5 na mas lalo pang magpapalakas ng kanilang posisyon sa industriya ng telebisyon sa pamamagitan ng pagtutok sa mga programang nagbibigay ng aliw sa mga manonood.
No comments:
Post a Comment