Tom Rodriguez May Lihim na Tinatago na Diumano Magiging Ganap na Ama Dahil Nanganak Diumano ang GF sa Amerika

 



Tom Rodriguez May Lihim na Tinatago na Diumano Magiging Ganap na Ama Dahil Nanganak Diumano ang GF sa Amerika

Photo: Tom/IG


Tom Rodriguez, isa na umanong ganap na ama, ayon sa balitang narinig ni Ogie Diaz mula sa kanyang mga sources. Marami umano ang nagtatanong kay Ogie kung kailan aaminin ni Tom ang hinggil sa kanyang anak. Nanganak na umano ang girlfriend ng aktor na si Tom Rodriguez sa Amerika.


Sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update noong Hulyo 1, 2024, ibinahagi ni Ogie ang nasagap niyang balita. Ayon kay Ogie, na-aprubahan na ang diborsyo sa pagitan ng dating celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kasabay ng anunsyo tungkol sa kanilang diborsyo, marami ang nag-aabang kung kailan ilalantad ni Tom ang kanyang anak.


May narinig umano si Ogie na hindi pa tiyak kung nanganak na o manganganak pa lamang ang nobya ng aktor na nakabase sa Amerika. Marami rin umano ang nagtatanong kay Ogie kung kailan aaminin ni Tom na siya ay magiging ama na. 


“Eh ‘yon na nga marami na nga rin ang nagtatanong… since mayroon nang announcement ng divorce, eh kelan naman daw ang announcement na magiging tatay na itong si Tom Rodriguez,” ani Ogie. “Nanganak na yata ‘yong kanyang girlfriend dito sa US. Totoo ba ‘yon Tom? Hintayin natin si Tom kasi siya ang dapat na sumagot niyan,” dagdag pa ni Ogie.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts