Stylist ni Nadine Samonte, Hindi Raw Natiyagan sa GMA Gala 2024

 


Stylist ni Nadine Samonte, Hindi Raw Natiyagan sa GMA Gala 2024

Photo: Nadine/IG


Inimbitahan pero wala raw sa guest list ang aktres?


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media si Nadine Samonte matapos ang isyung hindi umano siya pinapasok sa venue ng GMA Gala 2024 dahil wala raw ito sa guest list.


Ang mismong stylist ni Nadine na si Keith Manila ang naglantad ng pangyayari sa pamamagitan ng isang post sa social media. Ayon kay Keith, nakatanggap naman ng invitation si Nadine para sa event, pero pagdating sa venue, wala raw ito sa guest list.


Ikinadismaya ni Keith ang GMA Artist Center dahil mas pinagprayoridad daw nila ang mga social media influencers kaysa sa isang artista na sa kanila mismo nagsimula ang karera.


Si Nadine ay isa sa mga naging kalahok ng Starstruck season 1 kasama sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.


May mga nagsasabi rin na hindi raw pinapasok si Nadine sa loob ng venue dahil wala ito sa guest list. Ayon sa ulat ng Philstar, rumampa pa ang aktres sa red carpet, pero pagdating sa loob, wala na raw ang kanyang pangalan. 


Wala pang pahayag ang GMA hinggil sa isyung ito. 


Samantala, nananatiling tahimik si Nadine Samonte tungkol sa isyu. Hindi rin siya nag-post ng anumang videos o larawan mula sa event.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts