Social Media Personality na si Otlum Naging Emosyonal nang Muling Makita ang Dalawang Anak

 



Social Media Personality na si Otlum Naging Emosyonal nang Muling Makita ang Dalawang Anak

Photo: Rated K/ YT

Hindi napigilan ng social media personality na si Otlum ang maiyak matapos makita ang dalawang anak na matagal na niyang hindi nakikita. Sa panayam ni Korina Sanchez kay Otlum sa programang Rated K, napag-alaman na may dalawa itong anak pero hiwalay na sa kanyang asawa. Noong nakaraang taon pa umano nang huling nakita ni Otlum ang dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Bagaman hindi madalas na nagkikita ang mag-aama, si Otlum umano ang siyang nagtataguyod sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak.


Sinamahan ng team ni Korina si Otlum patungong Bulacan kung saan naninirahan ang kanyang dalawang anak. Kinuhaan ng video ang mga tagpo kaya naman nahuli rin ng kamera ang pagiging emosyonal ni Otlum nang muling makaharap ang mga anak. Ayon sa mga anak ni Otlum, tanggap umano nila ang katauhan ng kanilang ama noon pa man. Hindi umano naging isyu sa kanila ang pagiging binabae ng kanilang ama.


May pakiusap pa ang mga anak ni Otlum sa mga bumabatikos na tigilan na umano ang mga paglalabas ng masasakit na salita laban sa kanilang ama. “Kung anuman ang nakikita nila na hindi nila dapat makita kay Tatay, ‘dapat hindi n’wag nalang nila pansinin ‘yon kasi hindi naman sila pinapakialaman ng tao… kasi hindi naman sila ang nasasaktan eh, ‘yong Tatay namin,” saad ng panganay ni Otlum. Panoorin ang buong panayam sa video na nasa ibaba.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts