Smugglaz Ibinulgar ang Tunay na Ugali ni Ivana Alawi na Taliwas sa mga Lumalabas na Balita

 



Smugglaz Ibinulgar ang Tunay na Ugali ni Ivana Alawi na Taliwas sa mga Lumalabas na Balita

Photo: Ivana/IG


Ipinagtanggol ni Smugglaz ang co-star na si Ivana Alawi mula sa mga pambabatikos. Nakapanayam ng ABS-CBN News ang isa sa mga cast ng FPJs Batang Quiapo na si Smugglaz hinggil sa isyung kinasasangkutan ng co-star na si Ivana Alawi. Sa nasabing panayam, mariing pinabulaanan ni Smugglaz na pa-diva ang aktres. Mahusay umano itong makisama sa kanila at nakikipagbiruan. Dagdag pa ni Smugglaz, hindi ito ang unang beses na nakasama nila si Ivana dahil naging cast rin ito noon sa seryeng ‘FPJs Ang Probinsyano’ at wala umanong pagbabago sa ugali ng aktres mula noon.


Binanggit din ni Smugglaz na mismong si Direk Coco ang nagsasaayos ng lahat para maayos ang samahan ng bawat isa at walang nalalaglag. Saad ni Smugglaz, “Sa amin kasi kapag may lumulutang na ganyan, si Direk Coco kasi… lahat ng pinupuwesto niya, lahat ‘i‘yan naka-tono. Kumabaga, naka-tono para blend tayo. Hindi mo masasabing nag-attitude kasi si Ivana, kapag kasama namin sa set sobrang bait niya eh, kalog rin siya so kung paano mo siya nakikita hindi naman siya pa-istar."


Dagdag pa ni Smugglaz, “Kasi bago pa man namin siya nakasama sa ‘Batang Quiapo,’ kasama na namin siya sa ‘Probinsyano,’ nagkakausap na kami noon hindi pa siya leading lady ang role pa niya noon kina Ryan Eigenmann… so nagkasama na kami sa dati kaya hindi na bago. Siguro mas mainit lang ngayon kasi nga si Ivana na siya. Pero ramdam naman niya ang respeto sa amin sa set at nakikita niya ‘yun at sinusuklian niya kaya maayos kami sa set.”

No comments:

Post a Comment

Popular Posts