Single Mom Napurnada ang Pangarap na “Europe Work” Dahil sa Wattah, Wattah Festival

 


Single Mom Napurnada ang Pangarap na “Europe Work” Dahil sa Wattah, Wattah Festival

Photo:User/X


Isang single mom ang naglabas ng sama ng loob sa social media matapos mapurnada ang kanyang pag-aabroad dulot ng Wattah, Wattah festival sa San Juan. Noong June 30, 2024, ibinahagi ng isang nagngangalang Rod Lina ang patotoo ng hindi nagpakilalang single mom mula sa isang Facebook group. Screenshots ng buong pahayag ang ibinahagi ni Rod sa kanyang Facebook account na agad din nagviral.


Ayon sa post ng hindi nagpakilalang single mom, napurnada ang kanyang pag-aabroad dahil sa Wattah, Wattah festival. Noong June 24, 2024, araw ng kapistahan ng San Juan City, papunta siya sa agency upang magpasa ng mga dokumento. Nakapasa na siya sa initial interview para sa isang trabaho sa Europe. Hindi niya inakala na iyon din ang araw ng kapistahan. Nang mapadaan ang jeep na sinakyan niya sa San Juan City, sinabuyan sila ng tubig ng mga residente kahit na sarado ang jeep. Nabasa ang lahat ng kanyang mga papeles.


"Halos gumuho ang mundo ko. Pati mga requirements ko basang-basa. Walo kami nakapasa sa initial interview at lahat daw ng nakapunta sa Employer’s interview ay naselect," kuwento ng single mom.


Sa kanyang mensahe sa mga taga-San Juan City, ibinahagi niya ang kanyang hinanakit. "Kung may mga taga San Juan dito. Sana napasaya namin kau. Napakalaking bagay po na makakaalis ako ng bansa dahil solo ko na binubuhay mga anak ko. Nakiusap ako. Nagmakaawa. Pero hindi kau nakinig. Umiyak pero nagtatawanan pa kau. Happy Fiesta," aniya. "Yung isang araw na fiesta ninyo isang buong pangarap ko po ang naglaho," dagdag pa niya.


No comments:

Post a Comment