Sen Imee Marcos Todo Defend si Vice Pres Sara Duterte na Wala sa Pilipinas Habang Nanalasa ang Bagyong Carina

 




Dinepensahan ni Senator Imee Marcos si Vice President Sara Duterte laban sa mga batikos na natanggap nito dahil wala siya sa Pilipinas habang nanalasa ang bagyong Carina. Ayon kay Senator Imee, hindi alam ni VP Sara na may paparating na bagyo bago siya umalis ng bansa.


Ilang netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya kay Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang pag-alis papuntang Germany kasama ang kanyang pamilya noong Miyerkules, Hulyo 24. Sa kabila ng mga kritisismo, nanindigan si Senator Imee Marcos para sa Pangalawang Pangulo, binibigyang-diin na matagal nang nakaplano ang naturang byahe.


“Hindi naman niya alam na may bagyo, pambihira naman,” sabi ni Senator Imee sa isang panayam ng ABS-CBN News. Ipinaliwanag niya na kahit wala sa bansa si VP Sara, hindi naman ito nagpabaya. Sa katunayan, ito pa umano ang unang umaksyon para makatulong sa mga nasalanta.


Ayon kay Senator Imee, “At nakita naman natin na ang unang umaksyon ay ang OVP. Sa totoo lang nakakalat na yung mga nakapreposition na pagkain, mga gamot, mga damit… ikinalat na sa iba’t ibang lugar at palagay ko talagang nakatutok naman sila.” Pinuri niya ang kahandaan at aksyon ng opisina ni VP Sara sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong lugar.


No comments:

Post a Comment