Mainit na pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang GMA Gala scandal na nangyari kamakailan lang. Nagsimula ito sa isang blind item na nagsasabing may isang baguhang aktor na inabuso ng dalawang ‘gay executives’ ng GMA 7.
Photo: Sandro/IG
Ayon kay Ogie Diaz, naglabas siya ng mga cryptic post hinggil rito at napag-alaman na na-trauma ang nasabing baguhang aktor dahil sa pangyayari. Nagmakaawa pa umano ito para pakawalan dahil hinihintay na siya ng kanyang nobya, ngunit nangyari pa rin ang hindi dapat maganap.
Sa kabila ng katahimikan ng ilan, matapang na pinangalanan ng marites na si Xian Gaza ang pagkakakilanlan ng baguhang aktor. Ayon kay Gaza, si Sandro Muhlach, anak ni Niño Muhlach, ang tinutukoy sa blind item. Ang dalawang sinasabing gay executives, na itinanggi na umano ng GMA Network bilang kanilang empleyado, ay mga independent contractors lamang.
Naganap umano ang insidente matapos ang GMA Gala 2024. Inaya umano ng dalawang ‘gays’ si Sandro sa isang hotel para sa isang after-party. Ngunit sa kanyang pagdating, nagulat si Sandro na wala umanong ibang tao sa lugar kundi silang tatlo lamang. Ayon kay Gaza, “Ang chesmes ay ito palang pamangkin ni Aga Muhlach ay inaya sa isang after-party noong GMA Gala.”
“‘Tara doon sa hotel namin. After-party! Maraming pupuntang artista,’ wika ng dalawang suspect,” pagbubulgar ni Gaza.
Pagdating sa suite, laking gulat ni Sandro na tatlo lang pala sila—si Sandro, Jojo Nones, at Richard Dode. Pagpapatuloy ni Gaza, “Fast forward after ng mahabang chikahan sa sala… Napilitang umamats si lalaki tapos noong anes na eh dinala siya sa kwarto ng dalawang GMA Executive. Doon na nangyari ang malagim na krimen.”
Matapos pumutok ang isyu sa bansa, agad-agad na dineny ng GMA 7 si Richard at Jojo bilang kanilang empleyado, sinasabing sila’y mga independent contractors lamang. “Kapag may nagawang krimen, ang tawag do’n ay ‘independent contractor’? Pero kapag nakasungkit ng parangal o gantimpala, ang tawag do’n ay ‘Kapuso’!” saad ni Gaza.
Nagbigay na ng official statement ang pamunuan ng GMA 7, na nagsasabing wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo hinggil sa isyu. Kung sakali, handa umano silang magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.
Sa kabilang banda, naghahanda na umano ang aktor na si Niño Muhlach para sa kasong isasampa laban sa dalawang gay executives ng GMA 7 na di-umanong nagsamantala sa kanyang anak na si Sandro. Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang susunod na mga hakbang ng mga taong sangkot sa isyung ito.
No comments:
Post a Comment