Rudy Baldwin May Nakapangingilabot na Pangitain sa Bansang China

 


Rudy Baldwin May Nakapangingilabot na Pangitain sa Bansang China

Photo: Rudy/IG


Marami umanong sakuna na tatama sa naturang bansa, ayon kay Rudy Baldwin, kilalang psychic at hula sa social media. Nakakakilabot ang mga pangitain ni Baldwin tungkol sa China na nagdulot ng takot at pangamba sa mga netizens. Sa kanyang Facebook post noong Hulyo 11, pinaalalahanan niya ang publiko na manatiling mahinahon at huwag isipin na pananakot lamang ang kanyang intensiyon. Tanging Diyos pa rin umano ang may kontrol sa mga pwedeng mangyari sa atin.


Ayon kay Baldwin, makakaranas umano ang China ng sunud-sunod na kalamidad. Ilan sa mga prediksyon niya ay ang pagkakaroon ng tsunami, sinkhole, pagguho ng gusali, pagsabog ng bulkan, at tatlong malalakas na lindol na isa rito ay masasabing pinakamalakas sa kasaysayan. Ang mga kalamidad na ito ay magdudulot ng malaking pinsala at marami ang posibleng masawi. 


Sa kabila ng mga sakunang ito, binanggit din ni Baldwin na magpapakita ng pagtutulungan ang mga bansa. Isa ang Pilipinas sa mga magbibigay ng tulong sa China, sa kabila ng mga isyung teritoryal sa West Philippine Sea. Ang pangitain na ito ay nagbigay ng pag-asa na sa panahon ng sakuna, umiiral pa rin ang pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng mga bansa.


Dagdag pa ni Baldwin, hindi pa nangyayari ang mga kalamidad na ito at may pagkakataon pang magdasal at maghanda. Pinaalalahanan niya ang lahat na manalangin sa Maykapal at magtiwala sa Kanyang plano. Hinihikayat niya ang publiko na manatiling alerto at magtulungan sa oras ng pangangailangan.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts