RR Enriquez May Banat Hinggil sa Isyu ni Jude Bacalso

 


Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagbigay ng kanyang opinyon si RR Enriquez hinggil sa isyu na kinasangkutan ni Jude Bacalso. Ayon kay RR, hindi na kailangan pang turuan ang sinuman kung ano ang tamang pronoun na dapat gamitin bilang pagtukoy sa bawat indibidwal dahil itinuturo na ito sa atin mula pa noong elementarya.

Photo: RR/IG

"Although it was so nice of you to admit your mistakes and apologize to public... my only concern is why educate someone about pronouns when grade school pa lang tayo tinuturo na yan sa atin. He is for men and She is for women. Yan ang alam ng lahat," saad ni RR.


Dagdag pa niya, para sa isang tao na mas may kaalaman at mas nakakaangat sa buhay, mas mainam na itama agad ang pagkakamali kaysa palakihin pa ang isyu. "For someone na mas nakaka-angat ng konti sa buhay, why not just correct him right away and say, 'Call me Ma’am na lang Kuya. I prefer Ma’am instead of Sir,'” dagdag pa ng social media personality.


Nagbigay rin siya ng payo na sana ay mas maging mapagpatawad at mapagpasensiya ang bawat isa upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at upang maging mas maayos ang pakikitungo sa isa’t isa. Ang pahayag ni RR ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens na sumusuporta sa kanyang punto at nagpapaalala rin na mahalaga ang respeto sa bawat isa.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts