Rico Blanco Gusto na nga bang Mag Settle? Ngunit Di Pa Ready si Maris Racal?

 



Rico Blanco nagbahagi ng isang makahulugang video matapos ng hiwalayan nila ni Maris Racal

Photo: Rico/IG


Trending na pinag-uusapan sa social media ang hiwalayan nina Maris Racal at Rico Blanco. Ngayong araw, July 12, 2024, kinumpirma ng aktres na naghiwalay na sila ni Rico. Ginawa ni Maris ang ‘announcement’ na ito sa presscon ng Star Magic Spotlight. Mapapansin sa mga salita ni Maris na siya ang nakipaghiwalay sa singer. Ganun pa man nilinaw niya na wala umanong kinalaman si Anthony Jennings sa nangyaring breakup nila ni Rico.


“Rico and I are over. It’s fresh. It’s been weeks, loneliest and emptiest weeks I’ve ever experienced in my life,” ani Maris. Dinagdag pa niya, “Anthony is out of the picture. It’s just mainly me and Rico. Mainly me, I’m the issue.”


Samantala, nagtrending naman ang video na ibinahagi ni Rico sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood ang kanyang mga magulang. Sa caption nito, mababasa ang mga katagang ‘mom and dad.’ Sa nasabing video, mapapansin na bagaman pareho nang matatanda ang mga magulang ng singer sweet pa rin ito sa isa’t isa, magkahawak-kamay habang naglalakad sa dalampasigan.


Ayon sa mga netizens, tila may ipinapahiwatig ang singer sa naturang video. Marami ang nagpahayag ng kanilang saloobin at awa para kay Rico. Ilan sa mga komento ay:


“Gusto mo na mag settle Rico? Gusto ko na din eh hehehe Tayo nalang”


“Sana mali lang ang kutob kong ito, Marissssss”


“Na sense kung na fall-out of love si girl”


“Dun na raw si Irene kay Snoop. Charot”


Habang patuloy ang usapin sa kanilang hiwalayan, maraming fans ang umaasa na makakabangon si Rico sa sakit na nararamdaman niya ngayon.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts