Richard Gomez Proud na Ibinahagi ang Pagtatapos ng Anak na si Juliana sa Kolehiyo Bilang Cum Laude

 


Proud na ibinahagi ng aktor na si Richard Gomez ang pagtatapos sa kolehiyo ng anak na si Juliana Gomez. Si Juliana ay nag-aral ng kursong BS in Public Administration sa University of the Philippines. Nitong nakaraang araw, July 29, 2029, ginanap ang pagtatapos ni Juliana at tumanggap siya ng pagkilala bilang cum laude. 

Photo: Gomez/IG


Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ni Richard ang isang maikling video ng naging kaganapan ng pagtatapos ni Juliana. Mapapanood rito ang proud moment nila ni Lucy Torres, kanyang asawa, kasama ang iba pa nilang pamilya na dumalo rin sa nasabing seremonya.


Sa caption ng post, mababasa naman ang mensahe ng actor-politician na tila hindi makapaniwala sa bilis ng takbo ng panahon. Ayon kay Richard, “I vividly remember your first day in school as a young child. I drove you to your school near the house, you were in a white shirt and jeans in rubber shoes. Look at you now all grown up and a college graduate in Public Administration at the UP Diliman and a Cum Laude.” 


Pagbati ni Richard sa anak, “Congratulations ‘day! Mom and I are so proud of you.” Dagdag pa niya, “Mom was in tears going up the stage. My eyes were in tears too when I went back to my seat as things sank into my head and realized how time flies so fast. Go on and make things better and beautiful.”


No comments:

Post a Comment

Popular Posts