Priscilla Meirelles May Isisiwalat Hinggil sa Estado ng Kanyang Relasyon kay John Estrada

 




Priscilla Meirelles May Isisiwalat Hinggil sa Estado ng Kanyang Relasyon kay John Estrada


Photo: Priscilla/IG



Ngayong araw, Hulyo 17, 2024, sinagot ni Priscilla Meirelles ang pahayag ni John Estrada hinggil sa estado ng kanilang relasyon. Sa isang Instagram story, pinabulaanan ni Priscilla na nagkaroon sila ng kasunduan ni John na magkaroon ng ‘break’ sa isa’t isa. Ayon kay Priscilla, hindi umano totoo ang binanggit ni John na may ‘mutual decision’ sila tungkol dito. 


Nilinaw ni Priscilla na wala silang napag-usapan o agreement tungkol sa kanilang hiwalayan. Kasal pa umano sila nang siya ay umalis sa Pilipinas at nananatili pa rin silang kasal ni John. “To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time. While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith,” paglilinaw ni Priscilla.


Kasunod nito, nagpasalamat din si Priscilla sa mga suporta, kabaitan, at pagmamahal na natatanggap niya ngayong dumaranas siya ng pagsubok sa buhay. “I appreciate your constant support, kindness, and love during this difficult time. I trust that, in due course, all will be resolved appropriately. Thank you for your understanding,” pagwawakas ni Priscilla.


Narito ang buong pahayag ni Priscilla: 

“I am deeply shocked and disheartened by Mr. Estrada’s recent public statement. To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time. While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith. I appreciate your constant support, kindness, and love during this difficult time. I trust that, in due course, all will be resolved appropriately. Thank you for your understanding.”

No comments:

Post a Comment