Nadine Samonte sa Nagdaang GMA Gala 2024: "I Feel So Kawawa"

 



Nadine Samonte sa Nagdaang GMA Gala 2024: "I Feel So Kawawa"

Photo: Nadine/IG


Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Nadine Samonte ang maglabas ng saloobin tungkol sa kanyang naging karanasan sa nagdaang GMA Gala 2024 noong Sabado, July 20. Matatandaang naging usap-usapan kamakailan sa social media ang diumano’y hindi magandang experience ng aktres, na mismong inilahad ng kanyang stylist sa social media. Hindi kasi nito nagustuhan ang unfair na treatment kay Nadine, gayong hindi naging biro ang preparasyon nito bago pa mangyari ang naturang gala. 


Sa isang panayam, mariing ipinahayag ni Nadine ang kanyang pagkadismaya. Pagdating umano niya sa event, wala ang kanyang pangalan sa guest list at wala rin siyang assigned seat. “Paglabas ko kahapon sa event, hindi ko na natapos yung program. I was so frustrated and so down and lost. My team was so mad. They hugged me when I went up. Umiyak na ako doon,” saad ng aktres.


Ipinaliwanag ni Nadine na hindi naman siya humihingi ng VIP treatment, subalit sana ay naging patas lamang ang pagtrato sa mga artista. “This gala, nag-prepare ako since last year pa. I prepared, nag-check in na ako, last year pa. Binook ko na lahat last year pa. We even had meetings for what to do, for what theme to make. Lahat talaga preparation, gastos… And yet, I was not really expecting na matrato ako as VIP pero I was just wishing na matrato ako fairly lang,” pahayag niya.


Sa kabila ng nangyari, nanaig pa rin ang pang-unawa ni Nadine at nagpasalamat siya sa kanyang home network. “Masama lang talaga ‘yung loob ko Tito Ogie. pero it’s okay. I’m thankful naman sa GMA kahit papano na-invite ako sa ganitong malaking event talaga na once a year. And I’m thankful also kasi meron akong bagong show with them. I hope next year, the production will be more vigilant,” dagdag niya.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts