Mo Twister Tinawag na Bastos ni Jobert Sucaldito at Ito ang Dahilan

 


Mo Twister Tinawag na Bastos ni Jobert Sucaldito at Ito ang Dahilan

Photo: mo Twister/IG


Kahapon, Hulyo 5, 2024, sa YouTube channel na "Jobert and Chaps Channel," napag-usapan ang isyung hiwalayan nina Mo Twister at asawang si Angelicopter. Kasunod ito ng lumabas na larawan ni Mo na may mga kalmot sa mukha. Sa halip na makuha ang simpatiya ni Jobert Sucaldito, naglabas pa ito ng mga negatibong salita laban kay Mo Twister.


Ayon kay Sucaldito, "May ugali yang batang 'yan, bastos yan, bastos 'yan... experience ko 'yan. He called me names sa podcast niya noon, bastos yan. I thought I was close to him before, gusto ko yan ei, I find him cute, matalino pero nagulat ako all of the sudden para bang out of the blue, para bang he changed courses... talagang ang liit ng tingin nya sa akin, binastos ako n’yan."


Dagdag pa ni Jobert, mayabang umano si Mo Twister at 'feeling' magaling sa lahat kaya walang nakakasundo. "Because you know bastos s'ya, dalahira ang bibig, taklesang wala sa lugar... alam mo 'yon, he feels kasi he's over you above everyone. Ang Yabang that's the term, ang Yabang ng taong 'yan. Kaya noong umalis siya dito 'di ba ang daming nakaaway 'yan, kaya hindi s'ya makabalik dito kasi may mga kaso ei, may mga kasong nagsampa sa kanya before ei... kaya I don't know how to react."


Pagpapatuloy pa ni Sucaldito, tila hindi niya alam kung maawa ba siya kay Mo dahil sa kalmot sa mukha nito. "Hindi ko alam kong maawa ako sa kanya dahil sa kalmot n'ya, ang iniisip ko lang kaya kinalmot kasi baka may ginawa," ayon pa kay Jobert.


Sa kanilang talakayan, ibinahagi rin ni Jobert ang karanasan niya ng pambabastos mula kay Mo Twister, na nagresulta sa kanilang hindi pagkakasundo at pagpapalit ng pananaw niya sa podcaster.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts