Miss Eva Darren, Umiyak Matapos Mapahiya sa FAMAS Awards 2024

 




Nakapanayam ni Aster Amoyo ang beteranang aktres na si Miss Eva Darren sa kanyang YouTube channel na "TicTalk with Aster Amoyo." Sa nasabing panayam, inamin ni Miss Darren na siya ay napahiya at umiyak matapos ang insidente sa FAMAS Awards 2024. Dapat sana'y isa siya sa mga presentor ng gabi, ngunit hindi siya hinayaang umakyat ng entablado. 

Photo: Eva/IG


"Masakit talaga, napahiya ako," emosyonal na pahayag ng aktres. Sa harap ng kanyang mga apo, nakita niyang sina Tirso Cruz III at isang singer na naghahanda para sa entablado, kaya't napagpasyahan niyang umuwi na lamang. 


Pagdating sa bahay, doon na bumuhos ang kanyang emosyon. Inamin ni Miss Darren na nanginig siya sa sama ng loob at hindi masagot ang mga tawag mula sa mga kaibigan dahil hindi niya alam kung ano ang i-e-explain sa kanila.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts