Nagpapasalamat ang dating Goin’ Bulilit star na si Miles Ocampo sa itinatakbo ng kanyang karera sa kasalukuyan.
Photo: Miles/IG
Ayon sa kanyang panayam sa Philippine Star, simula nang pumasok siya sa industriya ng showbiz, tanging longevity lang ang kanyang hangarin basta may naniniwala sa kanyang talento, maliit man o malaking role ito.
Matatandaan na nagkaroon si Miles ng papillary thyroid carcinoma at sumailalim sa isang thyroidectomy operation noong 2023. Matapos ang kanyang operasyon, naging problema kay Miles ang pagbabago sa kanyang katawan kung saan nadaragdagan ang kanyang timbang na naging dahilan ng kanyang mga insecurities. Pag-amin ni Miles, unti-unti na lamang niyang tinanggap ang ganitong pagbabago dahil wala na ito sa kanyang kontrol.
Kwento pa ni Miles, medyo nahiya umano siya na maitambal kay Alden Richards sa proyekto nilang “Family of Two” dahil baka mapagkamalan siyang nanay nito dahil sa kanyang katabaan. Subalit nalampasan niya naman ito sa pamamagitan ng pagiging positibo sa buhay. Minarapat na lamang niyang mahalin ang kanyang katawan basta tama umano ang kanyang ginagawa at wala siyang tinatapakang tao.
Ayon pa kay Miles, nilalabanan niya ang kanyang sakit at mas nagiging conscious na sa kanyang kalusugan. Regular ang check-up niya sa kanyang doktor at patuloy ang maintenance medicine. Sa kasalukuyan, sobra ang biyaya na kanyang tinatamasa pagdating sa kanyang karera dahil bukod sa pagiging parte ng Eat Bulaga, bibida rin ito sa isang programa sa telebisyon na may titulong “Pandyak Princess.”
No comments:
Post a Comment