Maris Racal at Rico Blanco, Hiwalay Na!

 


Maris Racal at Rico Blanco, Hiwalay Na!

Photo: Maris and Rico/IG


"Rico and I are over." Ganiyan ipinaalam ng aktres at singer na si Maris Racal ang hiwalayan nila ng kaniyang boyfriend at former Rivermaya vocalist na si Rico Blanco. Sa isang press conference ngayong Biyernes, Hulyo 12, inamin ni Maris na natatakot siyang sagutin ang mga tanong tungkol kay Rico, at sinabing oras na ianunsyo niya iyon, ibig sabihin ay totoong tapos na ang relasyon nila ni Rico.


Ayon pa kay Maris, fresh pa ang mga nangyari dahil ilang linggo pa lang ang nakakalipas simula ng kanilang break up. Sa ngayon ay wala pang detalye na ibinahagi si Maris sa dahilan ng kanilang hiwalayan ngunit sinabi niyang she's “going through changes” sa kaniyang buhay ngayon. Sabi ni Maris tungkol sa kanilang hiwalayan, “It was very difficult but a very polite separation. Up to the very end of the relationship, it was still full of love and understanding and Rico is one of a kind.”


Pagpapatuloy ng aktres, “If only I could skip through my 20s you know, but I can't. I have to face it, I have to sit with my feelings and acknowledge my changes.” Una silang nagkakilala sa kasal ng isang mutual na kaibigan at simula noon ay nagkamabutihan na sila. Noong 2019 pa nagsimula ang kanilang relasyon ngunit ayon kay Maris, itinago niya ang tungkol dito sa loob ng ilang taon. “I kept it for two years…'Yung quiet na two years na 'yun like it was one of the happiest years na na-experience ko kasi totoo lang siya… masaya lang kami, we never dated outside here in the Philippines,” aniya.


Nagsimula ang dating rumors nila noong 2021 nang mag-post si Maris ng isang sweet duet kasama si Rico sa Instagram kung saan binati niya ang singer ng “Happy Birthday.” Sa comments section, nag-iwan naman si Rico ng “Hahaha love youu!!!” kasama ang tatlong flamingo emojis. Hindi nagtagal ay kinumpirma na rin nilang officially dating na sila.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts