Lena at Marites Bumida sa Pampagoodvibes sa Tiktok

 

Lena at Marites Bumida sa Pampagoodvibes sa Tiktok


Sumali ang mga beteranang aktres na sina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral sa trending na 'Baby I Love You' TikTok challenge, bagay na ikinatuwa ng maraming fans. Ginampanan nina Cherry Pie at Mercedes ang mga karakter na Marites at Lena sa sikat na seryeng ‘FPJ’s Batang Quiapo.’ Sa kani-kanilang TikTok accounts, ipinakita nila kung paano gagawin ng kanilang mga karakter ang challenge na ito. Umabot na sa mahigit 25 milyon ang pinagsamang views ng kanilang mga TikTok videos sa kasalukuyan.


Sa kanyang video, sinabi ni Cherry Pie, "Hi Lena!! Marites here," habang si Mercedes naman ay nag-caption ng "Hi Marites!! Lena here." Sa video ni Mercedes, pinakain siya ng kanyang "karibal" na tila hindi masaya sa kanyang ginagawa. Sa kabilang video, si Cherry Pie naman ang pinapakain.


Nagbunyi ang mga fans ng makita ang mga videos ng dalawa. Marami ang umaasang magkatuluyan ang kanilang mga karakter sa serye at iwan si Rigor, na ginagampanan ni John Estrada, upang gulatin ang mga manonood. Isang fan ang nagkomento, “What if ang end game talaga ay sila lena at marites,” habang ang iba naman ay nagsabing, “Di maagaw ni lena si rigor kay marites kaya si marites nalang aagawin nya kay Rigor.” May mga fans din na gustong sumali sa trend sina Rigor at Roda (portrayed by Joel Lamangan) para mas lalong maaliw ang audience.


Patuloy na mataas ang concurrent viewers ng ‘Batang Quiapo,’ na umabot pa sa 544,761 noong Hulyo 15 na episode. Kumakalat ang iba’t ibang clips nina Lena, Marites, Roda, at Rigor sa social media dahil sa saya at aliw na hatid ng kanilang banter. Ang ‘Batang Quiapo’ ay mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC, ang pinakabagong serye ni Coco Martin matapos ang matagumpay na ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’


@mercedes__cabral Hi Marites!! Lena here😉 #fyp #batangquiapo #breaktimetiktok ♬ dilemma - Galuh
@yescppicache27 Hi lena!! marites here☺️ #fyp #batangquiapo #breaktimetiktok ♬ dilemma - Galuh

No comments:

Post a Comment

Popular Posts