Kuya Wil, Binatikos ng Ilang Netizens Matapos Ipahiya ang Isang Staff Habang Umeere ang Programa

 



Kuya Wil, Binatikos ng Ilang Netizens Matapos Ipahiya ang Isang Staff Habang Umeere ang Programa

Photo: Will to Win/YT

Hindi napigilan ni Willie Revillame na pagalitan ang isang floor director na dumaan sa harap ng camera habang umeere ang kanyang programa na "Will to Win." Dahil dito, pinuna ng ilang netizens ang kanyang ginawang pamamahiya sa nasabing staff.


Tinalakan ni Willie ang floor director na dumaan sa harap ng camera, at tila hindi niya napigilan ang sarili na kaagad na pagsalitaan ito habang umeere ang programa. Ayon kay Willie, "Naiintindihan niyo ba ako kung bakit ako nagagalit? 'Yan po ang problema kapag hindi alam ang ginagawa sa show, ako lahat ang nananagot."


Dagdag pa niya, “Tapos sasabihin niyo mayabang na naman 'yan. Binabash niyo ako, kasi pinapaganda ko ang programa. Ako ang nagiging kawawa at arogante dito sa show na 'to. Makikita niyo pati music. Maawa kayo sa akin, lahat ako nag-iisip para sa inyo.”


Hindi ito nagustuhan ng ilang netizens. Para sa kanila, hindi maganda na pagalitan ang sinuman sa kanyang mga staff habang naka-live ang programa. Ayon sa kanila, mas maayos sana kung pinagsabihan ni Willie ang staff habang nasa commercial break para maiwasan ang ganitong insidente na nagiging sanhi ng pag-aalipusta sa publiko.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts