Kris Aquino Diumano na Hindi Mahanap ang Gusto Kung Bakit Sya Nakipagbreak kay Mark Leviste

 



Kris Aquino Diumano na Hindi Mahanap ang Gusto Kung Bakit Sya Nakipagbreak kay Mark Leviste

Photo: Kris/IG

Sa isang panayam kay talent manager Ogie Diaz, inilahad ni Kris Aquino ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Batangas Vice Governor Mark Leviste. Matatandaang naging magkasintahan sila ng ilang panahon. 


Ayon kay Kris, nag-ugat ang kanilang problema sa hindi pagkakasundo ni Mark at ng anak niyang si Bimby. "Hindi sila nagkasundo nung ex. Hindi niya gusto eh," ani Kris. Dagdag pa niya, "Matters to me because he knows me best. Siya at si kuya, yung opinion nila really matters." 


Nagumpisa ang kanilang problema noong Nobyembre. Sinubukan nilang ayusin ang relasyon ngunit may mga nalaman si Kris na hindi niya nagustuhan. "Nagkalabuan na magmula November. Sinubukang ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto," dagdag pa niya. 


Ayaw na raw niyang magbigay pa ng karagdagang detalye dahil mas gusto na niya ngayon ang tahimik na buhay. "Ayaw ko na magsabi pa ng more than that because part of the reason why it did not work out is I’m at the stage in my life na mas gusto ko nang tahimik," ani Kris.


.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts