Kris Aquino Babalik ng Pinas Bago Matapos ang 2024

 



Kris Aquino Babalik ng Pinas Bago Matapos ang 2024

Photo: Kris/IG

Nagbigay ng labis na kasiyahan sa mga tagahanga at tagasubaybay ni Kris Aquino ang balitang may posibilidad na makauwi siya sa Pilipinas bago matapos ang 2024. Sa kanyang panayam kay talent manager Ogie Diaz, ipinahayag ni Kris ang kanyang pananabik na makabalik sa bansa.


"Hopefully, sa last quarter ng taon bago mag-Pasko, I'll be back in the Philippines," ani Kris. Ngunit aniya, ito ay nakadepende pa rin sa mga pagsusuring medikal na kanyang pagdadaanan. "It just really depends kasi may pagdadaanan akong mga test," dagdag pa ni Kris.


Sa kasalukuyan, nasa Estados Unidos si Kris upang magpagamot para sa kanyang autoimmune medical condition. Nagbiyahe siya papunta sa US noong Hunyo 2022 upang ituloy ang kanyang pagpapagamot.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts