Kim Chiu Pinarangalan Bilang Outstanding Asian Star sa 2024 Seoul International Drama Awards

 








Pinarangalan si Kim Chiu bilang Outstanding Asian Star sa 2024 Seoul International Drama Awards (SDA) ngayong taon. 

Photo: Kim/IG


Ibinahagi ng "Linlang" star ang nakakatuwang balita sa kanyang Instagram account, kung saan nag-post siya ng larawan ng liham na nag-iimbita sa kanya upang tanggapin ang prestihiyosong parangal sa South Korea ngayong Setyembre.





“I got the news today! I am lost for words… beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening,” ani Kim sa kanyang caption. 


Nagpasalamat din si Kim sa kanyang mga tagahanga, Dreamscape, at ABS-CBN para sa kanilang walang sawang suporta. “My heart is full!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO! KOREA HERE I COME! Sa SOUTH HA? Hihi… PHILIPPINES REPRESENT!” dagdag pa niya. Si Kim ay lumamang sa limang iba pang Asian stars sa global voting para sa SDA sa Idol Champ app mula Hunyo 15 hanggang Hulyo 14.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts