Karla Estrada, Umiba ang Ihip ng Hangin Dahil Hindi na Ibebenta ang Kanilang Bahay

 



Karla Estrada, Umiba ang Ihip ng Hangin Dahil Hindi na Ibebenta ang Kanilang Bahay

Photo: Karla/IG


Ipinahayag ng aktres at TV host na si Karla Estrada ang kanyang pagka-dismaya sa mga ulat at post matapos niyang ipahayag na ibebenta nila ang kanilang bahay sa Quezon City.


Sa Facebook, nag-post si Karla ng sumusunod:


“Pasensya na at tatapusin na natin ang tungkol sa bahay ko at tigilan na ang pag post ng bahay ko kasama ang mga anak ko pati narin ang 80yrs old na nanay ko.. baket??? Para saan at kasama ang family picture namin??


Tanong ko lang, ano po ang koneksyon ng picture naming mag-iina sa bahay na for sale eh may pangalan ko naman na buo pa nakasulat na may-ari ng bahay.


Ano ba ang dapat talaga pag nag benta ang isang tao ng ari-arian nya.. Ipaliwanag ang dahilan ng pag bebenta? Kasama ba sa requirements ng mga broker ang sabihin ang dahilan pag nag papa-benta ng properties namin?


Kailangan nag hihirap na sa buhay agad kaya nagbebenta ng ari-arian? Medyo malayo ata sa katotohana yun kase masisipag kami sa buhay.


Basta na pinost nyo lang sa wall nyo eh napaka luma na ho at di nyo naman trabaho na ipost yan ng paulit-ulit unless broker na ang pahayagan nyo. Ok lang kung ipinagtatanggol nyo kami sa mga sawsawero’t sawsawera na walang masabing matino kse nga puro haka-haka lang.


Mas alam pa nila ang dahilan ng pagbebenta ko ng isa sa mga ari-arian namin.


Tsk tsk .. dami n’yong oras magbigay ng komento sa buhay ng iba na walang kayong alam ha. Pero check nyo muna baka may mga kapamilya kayo dyan na kumakalam ang sikmura, unahin nyo yun.


O Eto na para narin sa latest update about my house, at ng matapos na ang luma nang balitang ito..


My house is not for sale anymore.


Kaya sa mga panay post dyan hangang ngayon, na mistulang pa broker na kayo, ayan na ang latest. Para updated naman ang posts ninyo.


Kung ayaw nyo sa amin wag nyo kami pag aksayahan ng panahon.”


Sa ganitong pahayag, malinaw na hindi na ibebenta ni Karla ang kanilang bahay, at hinihingi niya ang pagrespeto sa kanilang pribadong buhay.


No comments:

Post a Comment