Karla Estrada Nanawagan sa mga Tagahanga ni Daniel Padilla: “Ipagmalaki Ang lahat ng Blessings ni DJP"

 




Karla Estrada Nanawagan sa mga Tagahanga ni Daniel Padilla: “Ipagmalaki Ang lahat ng Blessings ni DJP"

Photo: Karla/IG


Ngayong Hulyo 10, 2024, nagpost si Karla Estrada sa kanyang Facebook page upang makiusap sa mga tagahanga ng kanyang anak na si Daniel Padilla. Sa post na ito, ipinaabot ni Karla ang kanyang pagkadismaya sa mga naririnig niyang pambabatikos ng ilang fans ni Daniel sa mga natatamong blessings ng ibang tao.


"Alam niyo, hindi talaga nagugustuhan ng aming pamilya ang ganitong klaseng pag-uugali. Kung ipinagmamalaki ninyo ang mga blessings ni Daniel, dapat ay ganoon din ang respeto sa blessings ng iba," sabi ni Karla sa kanyang post. "Panawagan sa lahat ng supporters ni Daniel Padilla or DJP, pakiusap lang po, no bashing tayo please. Hindi yan ang klase ng pamamaraan ng pag-suporta na gusto ng aming pamilya para kay Daniel."


Dagdag pa niya, “We appreciate your support, but please, no bashing to others. Ipagmalaki ang lahat ng blessings ni DJP. Respeto para sa blessings ng iba. Maging masaya tayo sa tagumpay ng bawat isa.” Maraming tagahanga ang sumang-ayon at nagbigay ng kanilang suporta sa pakiusap ni Karla. 


"Thank you, Tita Karla Estrada," sabi ng isang netizen. "Mga bashers diyan, manahimik na kayo. Pinapahamak niyo lang lalo si DJ sa ginagawa niyo. Mahiya naman kayo sa pamilya ni DJ." Dagdag pa ng isa, "Totoo! Suportahan natin sila at maging happy sa kanilang dalawa dahil minsan din nila tayong napasaya. Let's share positivity and be happy sa achievements at blessings nila o kung saan man sila ngayon."



No comments:

Post a Comment

Popular Posts