Jennylyn Mercado Nagsalita na Hinggil sa Balitang Paglipat ng Network

 


Jennylyn Mercado Nagsalita na Hinggil sa Balitang Paglipat ng Network

Photo: Jennylyn/IG


Nagsalita na ang aktres na si Jennylyn Mercado ukol sa mga kumakalat na balita na siya ay lilipat na ng network. Matagal nang usap-usapan ang posibleng paglipat ng aktres matapos hindi ito makasama sa GMA station I.D. shoot. Ipinaliwanag naman ng kanyang kampo na mayroon siyang ibang commitment noong araw na iyon.


Sa isang event kung saan inilunsad si Jennylyn bilang bagong ambassador ng Beautederm products, natanong siya tungkol sa isyu ng kanyang paglipat. Agad namang itinanggi ng aktres na may offer sa kanya ang ABS-CBN. 


Ayon kay Jennylyn, masaya siya at nananatiling Kapuso sa loob ng 20 taon. "Palagi naman akong Kapuso… ang daming nag-aantay ng sagot. Ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin," sabi ng aktres.


Dagdag pa ni Jennylyn, hinihintay na lamang niya ang kontratang pipirmahan mula sa GMA-7. "We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” saad niya. 


Patuloy na pinapakita ni Jennylyn ang kanyang katapatan sa GMA Network, sa kabila ng mga bali-balitang paglipat, na nagpapakita ng kanyang pagiging matapat at dedicated sa kanyang home network.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts