Jed Madela Nagsalita na Hinggil sa mga Patutsada ng Dating Manager na si Annie Mercado

 




Jed Madela Nagsalita na Hinggil sa mga Patutsada ng Dating Manager na si Annie Mercado

Photo: Jed/IG


Ilang araw na ang nakararaan, lumantad sa madla si Annie Mercado, dating manager ni Jed Madela, at ibinahagi ang kanyang mga hinaing laban sa singer. Ayon kay Annie, tila pinatutsadahan siya ni Jed sa pamamagitan ng bagong awitin nitong "Wish u the Worst." Ani Annie, hindi umano sila (siya at kanyang pamilya) inirespeto ng singer sa kabila ng kanilang pagtulong noong bagong salta pa lamang ito sa Manila.


Pamilya umano ni Annie ang nagdala kay Jed sa Manila, inalagaan, minahal, at tinulungan sa pagkamit ng kanyang mga pangarap sa karera. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, pambabastos umano ang natanggap nila mula sa singer. Samantala, nagsalita na si Jed hinggil sa isyu. Sa isang panayam ng ABS-CBN News, ipinaliwanag niya ang kanyang panig.


Ayon kay Jed, hindi siya ang nag-compose ng kantang "Wish u the Worst." Isang nagngangalang Kio Priest umano ang sumulat ng awitin at siya lamang ang nag-perform nito. Binanggit din ni Jed na hindi mawawala ang respeto at pasasalamat niya kay Annie at sa pamilya nito dahil sila ang nagdala sa kanya sa Manila. “I never stopped saying na I am grateful. Sila naman ang nagsimula. They started my career… Tita Annie brought me to Manila. She helped me get into showbiz."



Dagdag pa ni Jed, “It was… we were a team. In time kasi, we all have to grow. Kami, we have different priorities now. Sila, they’re focused on WCOPA. Ako, I’m focused on a new chapter in my life doing something different naman.” Sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan, umaasa umano si Jed na sila ay magkakaayos. “It’s a family matter, and we’re trying to deal with it privately. I guess things just have to happen, but I do hope things get better.”


Maraming netizens ang umaasa rin na matatapos na ang alitan sa pagitan ng dalawa at magbabalik ang kanilang pagkakaibigan.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts