Janine Gutierrez Lumaki ang Tiyan Diumano'y Buntis




 

Nagkaroon ng interesanteng pag-uusap si Janine Gutierrez at isang basher sa social media.

Photo: Janine/IG


Isang netizen ang nagkomento na tila lumaki ang tiyan ng aktres at tinanong pa kung buntis ba siya. "Preggy ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo?" tanong ng netizen.



Sa halip na magalit, kalmadong sinagot ni Janine ang basher. Ipinaliwanag ng aktres na siya ay nakararanas ng PMS bloating at kumakain nang mas marami ngayong holiday season. Sinabi rin ni Janine na plano niyang mag-diet muli pagkatapos ng Pasko.


"PMS bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping. It’s okay to enjoy the off season. Diet na ulit after December. Sana masarap din kain mo this December," sagot ni Janine.


Pinakita ni Janine Gutierrez ang kanyang pagiging kalmado at polite sa pagresponde sa basher, na nagpamalas ng kanyang maturity sa harap ng body-shaming.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts