Ivana Alawi Magpapaalam na Diumano sa FPJs 'Batang Quiapo'

 



Ivana Alawi Magpapaalam na Diumano sa FPJs 'Batang Quiapo'

Photo: Ivana/IG


Usap-usapan ngayon sa social media kung sino ang sunod na matatanggal sa seryeng FPJs Batang Quiapo. Kamakailan lang, tsinugi na ang mga karakter nina Elijah Canlas at Yce Navarro. May mga balitang lumalabas na bukod kina Elijah at Yce, may isa pang karakter ang magpapaalam.


Ayon sa isang write-up ng Bandera, si Bubbles na ginagampanan ni Ivana Alawi ang mawawala sa serye. Isang personal assistant ng isang artista sa Batang Quiapo ang nakausap ng Bandera at kinumpirma ang balitang si Ivana nga ang sunod na aalis sa serye.


Base sa komento ng nasabing PA, madalas daw na walang oras ang aktres para sa taping. Nagpapaalam umano ito na may lakad at kung papakiusapan na mag-extend ng oras, tumatanggi pa umano. Napapansin din daw sa set ng serye na hindi nakikitungo ang aktres sa ibang cast at namimili ng kausap.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts