Enchong Dee Puzzles Netizens with GMA Gala 2024 Appearance

 




Enchong Dee Puzzles Netizens with GMA Gala 2024 Appearance


Scene stealer ang Kapamilya actor na si Enchong Dee dahil sa kanyang pagrampa sa red carpet ng #GMAGala2024. Marami ang napahanga sa kanyang white pearl-studded black suit, ngunit malaking palaisipan para sa marami ang kanyang pagdating sa Kapuso event, lalo na't wala namang ABS-CBN program si Enchong na umeere sa GMA Network.


Sa mga nakaraang taon, may mga collaborations na naganap sa pagitan ng GMA-7 at ABS-CBN. Isang halimbawa nito ay ang pag-ere ng Kapuso noontime show na "It’s Showtime" sa Kapuso network. Gayunpaman, maraming mapagmasid na netizens ang nagtatanong kung bakit dumalo si Enchong sa GMA Gala event, lalo pa't ngayong gabi rin ng Sabado ang launching ng Pinoy Big Brother Gen 11 Season.


Isa si Enchong sa mga hosts ng naturang reality show ng ABS-CBN. Dahil dito, trending topic si Enchong Dee sa X. Bumuhos ang papuri sa look ng Kapamilya actor sa GMA Gala 2024. Ngunit kasabay ng mga papuri sa kanya ay ang pagtatanong ng iba pa kung paano siya lalabas sa PBB.


Tanong ng isa, “Diba PBB ngayun? So bat nandito c enchong dee?” Sundot ng isa pa, “Bat andyan sya opening ng pbb din later.” Komento ng isa pa, “Kapamilya actor Enchong Dee attend GMA Gala 2024 at paano opening Pinoy Big Brother Gen 11?”


Pagsang-ayon ng isa pang netizen, “Oo nga po. Nagtaka ako bat sya anjan.” Subalit nasagot naman ang tanong ng netizens dahil pagsisimula ng PBB Gen 11 na umere nang live, naroon si Enchong kasama ang kanyang fellow hosts na sina Kim Chiu, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros, Robi Domingo, at Bianca Gonzalez. Ang kanyang presensya sa parehong events ay nagpahanga sa marami at nagpapatunay ng kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts