Dianne Medina Nanganak na – Rodjun Cruz May Nakakaantig na Mensahe para sa Asawa

 



Dianne Medina Nanganak na – Rodjun Cruz May Nakakaantig na Mensahe para sa Asawa

Photo: Dianne/IG


Nagsilang na ng isang malusog na sanggol na babae ang actress-host na si Dianne Medina. Ibinahagi ni Rodjun Cruz ang ilang larawan at video kuha sa delivery room sa kanyang Instagram account ngayong araw, July 23, 2024. Pinangalanan nila ang kanilang anak na Isabella.


Makikita sa mga larawan ang kaganapan matapos magsilang si Dianne sa St. Lukes Hospital. Sa caption ng mga larawan, mababasa ang paghanga at pagmamahal ni Rodjun kay Dianne. Matapos masaksihan ng aktor ang lahat sa delivery room, mas tumindi pa raw ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa. Isa umano sa best gift na natanggap niya sa kanyang buhay ang pagdating ng kanilang anak na si Isabella.


Ayon kay Rodjun, “7 years na tayo today simula nung sinagot mo ako wife wife @dianne_medina. The best na regalo ang binigay satin ni Lord ngayon. Grabe! Ang ating second baby. Our princess @isabella_ilustre. So proud of you wife wife! Ang tapang mo. Sa nasaksihan ko kanina, mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko sayo. Saludo ako sayo! I love you so much.”


Ang nakakatuwang mensaheng ito ay patunay ng matibay na pagmamahalan ng mag-asawa. Maraming netizens ang nakiisa sa kasiyahan nila at nagpahayag ng kanilang pagbati at suporta sa bagong yugto ng buhay nina Dianne at Rodjun. Nawa'y patuloy na magtagumpay ang kanilang pamilya at mabiyayaan ng maraming masayang alaala kasama ang kanilang mga anak.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts